UV EXPRESS BINALAAN SA OVERCHARGING

UV EXPRESS

BINALAAN kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga driver ng Utility Vehicle (UV) Express laban sa overcharging sa kanilang mga pasahero.

“We appeal to UV Express operators to stop overcharging because we will have to enforce the rule,” wika ni LTFRB Chairman Martin Delgra III Delgra sa economic press briefing sa Palasyo.

Aniya, sinimulan na ng LTFRB ang paghahanda para magsagawa ng enforcement activities bilang tugon sa mga reklamo na tinatanggap ng ahensiya mula sa mga pasahero.

“We are now preparing for an inspection as far as the UV Express is concerned. We will operate in certain areas where there is reported overcharging of fare in UV Express,” ani Delgra.

Ang mga reklamong natanggap ng ahensiya ay laban sa UV Express units na may Quiapo-Fairview, Marikina-Cubao at  Cavite-Makati routes.

Hinikayat ni Delgra ang publiko na tumawag sa  LTFRB Hotline 1342 o bumisita sa kanilang Facebook page at Twitter para i-report ang kanilang reklamo.

Pinaalalahanan din ni Delgra ang public utility vehicles, partikular ang mga bus, na huwag maningil ng pasahe na mas mataas sa pinapayagan ng LTFRB, sa  All-Saints’ Day at All-Souls’ Day holidays.

“We work closely, not only with LTO (Land Transportation Office) but also with the enforcement authorities in the areas,” aniya patungkol sa Philippine National Police  (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Inatasan na, aniya, ang lahat ng LTFRB regional directors na paigtingin ang kanilang monitoring at pag-iinspeksiyon sa mga terminal.  PNA