PINAG-AARALAN na rin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na pag- bawalan na ang la-hat ng UV Express sa EDSA upang ma- bawasan ang matinding trapik sa naturang lugar.
“May mga UV Express na ang biyahe ay provincial to Manila, Metro Manila to any provinces outside Metro Manila, lahat ng ruta na iyan dadaan ng EDSA,” ayon sa pahayag ni MMDA spokesperson Celine Pialago.
Ayon kay Pialago ang MMDA ay “back to objective” na ang ibig sabihin ay ang lahat ng UV Express ng galing probinsiya ay hanggang outskirts ng Metro Manila na lamang.
Matatandaan na ang MMDA ay nag-anunsiyo na kamakailan na hindi na nila papayagan ang mga pro-vincial bus na bumiyahe sa EDSA simula Abril.
Ayon kay Pialago, may 46 provincial bus terminals sa EDSA ang isasara ng MMDA. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.