UY MABIGAT ANG LABAN SA OLYMPIC QUALIFYING

Natalie Rose Uy

SINABI ni Natalie Rose Uy na gagawin niyang sandalan ang kanyang record- breaking performance sa 2019 Southeast Asian Games at foreign-flavored  National Open Invitational Athletics sa Olympic qualifying.

“I will use my triumphs in the SEA Games and National Open as my stepping stone in the qualifying. Hopefully, I would make it carrying the Philippine flag  in my first attempt in the qualifying,” sabi ni Uy.

Hawak ni Uy ang bagong SEA Games record sa pole vault na 4.25 meters na naitala niya sa kanyang unang pagsabak sa SEA Games.

Aminado si  Uy na magiging mabigat ang kanyang laban dahil world level ang kumpetisyon.

“I must admit making to the Olympics is a tough task to accomplish. Well, I’m already there. There’s no turning back but to fight,” pahayag ng 24-anyos na ipinanganak sa Ohio.

Sa kanyang bagong record na 4.25 meters ay pinantayan ni Uy ang record ni Sukanya Chomchuendee ng Thailand noong 2017 SEA Games sa Malaysia at binura ang lumang marka na 4.11 meters ginawa ni Deborah Samson noong 2008 sa Carritos, California.

Kumpiyansa si Uy na kaya niyang mapaganda ang  kanyang SEA Games record dahil nasa peak siya at hasang-hasa sa mga local tournament sa US.

Kasama ni Uy ang kapwa Fil-Ams na sina Brazil Olympian Eric Shawn Cray, Kristina Knott at William Morrison at reigning SEA Games marathon queen Christine Hallasco sa training.

Gagabayan si Uy ni 1992 Barcelona Olympian Edward Lasquete sa qualifying at SEA Games sa Vietnam.

Hanggang ngayon ay bigo pa rin ang mga Pinoy na masungkit ang mailap na ginto sa Olympics at umaasa si PATAFA president Philip E. Juico na matutuldukan ang mahabang taong tagtuyot.

“Mahirap ang kanilang laban dahil world- class ang kanilang mga kalaban sa qualifying. Dalangin ko na sana ay makapasa si Uy at ang apat pang aspirants sa qualifying,” sabi ng dating Philippine Sports Commission chairman. CLYDE MARIANO

Comments are closed.