NAKUHA ni Jio Jalalon ng Magnolia ang bola laban kay June Mar Fajardo ng San Miguel sa kainitan ng kanilang laro sa Game 5 ng PBA Commissioner’s Cup Finals noong Linggo sa Araneta Coliseum. Kuha ni RUDY ESPERAS
Laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
7:30 p.m. – SMB vs Magnolia
(Game 6, Beermen abante sa serye)
VALENTINE’S championship para sa San Miguel Beer? O post-Valentine showdown upang desisyunan ang kapalaran ng Beermen at ng Magnolia Hotshots?
Sumasakay sa momentum ng kanilang 108-98 panalo noong Linggo, sisikapin ng Beermen na tapusin ang ‘giyera’ ngayong Miyerkoles laban sa Hotshots sa Game 6 ng PBA Commissioner’s Cup Finals.
May sapat na dahilan ang San Miguel upang tapusin ang laban sa Smart Araneta Coliseum — una ay ang makaiwas sa winner-take-all na kahit sino ay puwedeng manalo.
Ang isa pang dahilan ay para mabigyan sina June Mar Fajardo at CJ Perez ng panahon na makapagpahinga bago lumahok sa paghahanda ng Gilas Pilipinas para sa February window ng FIBA Asia Cup qualifiers kung saan makakasagupa nila ang Hong Kong sa isang away game at ang Chinese Taipei ss home sa PhilSports Arena sa Pasig.
Para kay coach Jorge Gallent, magkakaroon siya ng extra time para makapaghanda sa kanyang nalalapit na debut sa Manila Southwoods seniors team sa PAL Interclub sa Cagayan de Oro at sa Bukidnon. Si Gallent ay isang mean golfer.
Subalit batid ni Gallent na hindi madali ang tapusin ang isang serye.
Sa 2-3, ang Hotshots ay hindi nawawalan ng pag-asa.
“Positive pa rin kami na makabalik kami,” sabi ni Magnolia guard Mark Barroca, humugot ng inspirasyon mula sa kanilang paghahabol mula sa 0-2 deficit sa series.
“I feel good. We came down from 0-2 (to tie it). We could do it again. We could win two more games, why not?” sabi ni import Tyler Bey.
“We’re a great team. I don’t feel like our backs are against the wall. We’re down one and they got one more game to go. But I believe in this team, I believe in the coaching staff and I believe in myself as well so (I’m) pretty confident,” dagdag pa ni Bey.
Dinala ng lethal shooting ng San Miguel ang koponan sa mga panalo sa Games 1 (103-95), 2 (109-85) at 5 (108-98), habang ang lockdown defense ng Magnolia ang kanilang naging susi sa mga panalo sa Games 3 (88-80) at 4 (96-85).
Si Jericho Cruz ang naging bayani sa huling laro sa kanyang 30-point explosion, tampok ang 8 three-pointers.
“We can’t just let guys go off for 30. We got to respect everybody on their team,” ani Bey.
“Cruz got off eight treys. He had a great game; he did what he had to do. For us, I felt like we just didn’t adjust quickly enough. We took him lightly and that’s our problem. We didn’t respect him enough and we paid for it.”
Ngayon ay nais ng Hotshots na muling makaganti.
Subalit gigil ang Beermen na tapusin na ang Hotshots para sa pambihirang championship celebration sa Valentine’s Day.
CLYDE MARIANO