V-DAY SA BULLPUPS?

NU bullpups

Laro ngayon:

(Filoil Flying V Centre)

3 p.m. – Ateneo vs NU (Jrs Finals)

SISIKAPIN ng National University na masakmal ang korona laban sa  Ateneo sa Game 2 ng UAAP Season 81 juniors basketball championship ngayon sa Filoil Flying V Centre.

Isang panalo na lamang ang kailangan para sa kanyang unang UAAP crown, nais ni coach Goldwin Monteverde  na manatiling nakapokus ang Bullpups sa nakataya sa Game 2.

Ang NU ay nagtatangka sa kanilang ika-4 na titulo sa walong seasons at una magmula noong 2016.

“We have to be consistent on what we doing,” wika ni Monteverde.

Tangan ng Bullpups ang psychological advantage matapos ang series-opening 70-58 win noong Lunes at igupo si Kai Sotto at ang iba pa sa Blue Eaglets ng tatlong beses ngayong season.

Subalit nananati­ling positibo si Ateneo coach Reggie Varilla sa tsansa ng kanyang koponan para sa back-to-back ­titles.

“Not really worried about that. We need two more wins to be champions. Lamang lang sila 1-0,” ani Varilla.

“I think we need to give credit to NU they really outworked us today (Game 1). Kitang-kita the number of times they got the rebounds and 50-50 balls. We played solid defense but we couldn’t close it out with a defensive rebound,” dagdag pa niya.

Umaasa ang Bullpups na patuloy na magiging maganda ang ilalaro ng  kanilang twin towers na sina Carl Tamayo at Kevin Quiambao laban sa frontline combo ng Eaglets na sina Sotto at Geo Chiu.

Ang Game 3, kung kinakailangan, ay lalaruin sa Lunes sa San Juan Arena.