Mga laro ngayon:
AUF Gym
3:45 p.m. – Meralco vs Ginebra
6:30 p.m. – TNT vs Phoenix
MATULOY kaya ang salpukan sa unang pagkakataon ng Barangay Ginebra at Phoenix para sa PBA Philippine Cup championship?
Kapwa tangan ang 2-1 kalamangan sa best-of-five semis series, seselyuhan ng Gin Kings at Fuel Masters ang kanilang napipintong best-of-seven titular showdown ngayon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles City, Pampanga.
Haharapin ng Barangay Ginebra ang Meralco sa alas-3:45 ng hapon habang sasagupain ng Phoenix ang Talk ‘N Text sa alas-6:30 ng gabi.
Tinalo ng Phoenix ang TNT, 92-89, at pinahina ng Barangay Ginebra ang boltahe ng Meralco, 91-84, sa Game 3 para lumapit ng isang hakbang sa finals.
Kung magkatotoo maghaharap ang Barangay Ginebra at Phoenix sa finals tatawagin ang title confrontation ng dalawa “teacher-pupil” affair kung saan gaganap si coach Tim Cone teacher at si coach Topex Robinson student sa kanilang labanan sa bench.
Tiyak na sasamantalahin nina Ginebra coach Tim Cone at Phoenix mentor Topex Robinson ang momentum para tapusin ang best-of-five semis.
Sisikapin naman ng Meralco at TNT na ipuwersa ang ‘do –or-die’ Game 5 sa Biyernes.
“It’s going to be really hard to close them out,” wika ni Cone.
“They got a great coach over there who’s also been through these kinds of wars and they got a young, hungry core that’s listening to him,” dagdag ni Cone.
“Simply put, we’re in a must-win situation,” sabi naman ni Meralco coach Norman Black. “We must play better on both ends of the court and we must bring a high energy level.”
Muling pangungunahan ng deadly triumvirate nina LA Tenorio, Stanley Pringle at Scottie Thompson ang scoring offensive ng Ginebra habang babantayan ni Japeth Aguilar ang low post bukod sa kanyang papel bilang slotman.
Inaasahan namang bibigyan ni Black ng mahabang playing time si Raymond Almazan para ma-neutralize si Aguilar, habang sina Chris New-some, Baser Amer, Bong Quinto at Allein Maliksi ang mangunguna sa scoring.
Samantala, inaasahang gagawa ng malaking adjustment ang Tropang Giga para mapanatiling buhay ang kanilang title campaign.
“Alam na alam na nila mga usual na ginagawa namin. Nasasangga na nila,” pag-aamin ni TNT coach Bong Ravena sa bisperas ng Game 4 ng kanilang best-of-five series.
“Kailangan naming ibahin suntok, kasi kami nasusuntok nila, salag lang kami ng salag,” dagdag ni Ravena.
Si Matthew Wright, ang bayani sa panalo ng Phoenix sa Game 3, ang muling mangugnuna para sa koponan, katuwang sina RJ Jazul, Calvin Abueva, Jaysons Perkins at Justin Chua kontra kina Jayson Castro, Roger Pogoy, Troy Rosario, Simon Enciso at Ryan Reyes. CLYDE MARIANO
Comments are closed.