Laro ngayon:
(San Andres Sports Complex)
2:30 p.m. – LSGH vs Letran
TATANGKAIN ng Letran na makopo ang korona kontra CSB-La Salle Green Hills sa Game 2 ng NCAA juniors basketball Finals ngayon sa San Andres Sports Complex.
Umaasa ang Squires na maitama ang kanilang mga pagkakamali sa 85-81 panalo laban sa Greenies noong Lunes sa 2:30 p.m. duel.
“Masaya kami pero hindi pa tapos ang championship,” sabi ni Andy Gemao, ang 16-year-old prolific guard na tumapos na may f21 points, 14 rebounds, 5 assists at 3 steals sa opener.
“Marami po kaming lessons na napulot sa laro ngayon. Tulad po ng kung paano po kami maging composed sa maraming crowd kasi lahat po kami rookie.”
Handa ang Letran sa maaaring ipakita nina LSGH bigs Luis Pablo at Seven Gagate sa pagtatangka nitong tuldukan ang 22-year title drought.
“Inaabangan ko po talaga ‘yung twin towers po,” sabi ni Gemao. “Siguro po may gagawin silang adjustments. Nasa amin na din po iyon kung paano namin hihigpitan yung depensa namin.”
Sina Pablo at Gagate ay nagposte ng double-double outings sa Game 1.
Ang Game 3, kung kinakailangan, ay nakatakda sa Lunes.