PINUTOL ng University of Santo Tomas ang two-match skid sa 28-26, 20-25, 25-23, 26-24 panalo laban sa reigning UAAP men’s champion National University sa V-League Collegiate Challenge noong Linggo sa Paco Arena.
Nanguna si RJan Macam para sa Golden Spikers na may 14 points, kabilang ang 13 attacks, na sinamahan ng 11 receptions at 4 digs habang nag-ambag si Gboy de Vega ng 17 points.
Pinutol din ng Letran ang kanilang two-game losing streak makaraang gulantangin ang Ateneo, 25-22, 25-22, 25-16.
Ang pagtutuwang nina Macam at De Vega ay krusyal, hindi lamang sa pagtuldok sa kanilang losing streak kundi sa pagpapalasap sa Bulldogs sa kanilang unang kabiguan sa torneo sa rematch ng UAAP Finals.
“The team is getting used to the system that we’re using right now. May improvement naman every game,” wika ni UST coach Odjie Mamon.
Pinangunahan ni Steven Sta. Maria ang Knights na may 14 points, mula sa 12 attacks at 2 blocks, at 6 digs habang nagdagdag si Vince Himzon ng 13 points.
“Pinaghandaan namin ‘yung net defense namin tsaka yung floor defense, kaya siguro gumanda rin yung atake namin dahil sa magandang naddepensahan namin na bola na naconvert namin sa points,” ani Letran coach Brian Esquibel.