UMAASA ang semis-bound squads College of Saint Benilde at University of Perpetual Help System Dalta na madadala ang winning feeling sa susunod na round sa kanilang paghaharap ngayon sa V-League Collegiate Challenge sa Paco Arena.
Ang Lady Blazers at Lady Altas ay magsasalpukan sa alas-2 ng hapon.
Maghaharap naman ang Lyceum of the Philippines University at San Sebastian sa no-bearing match sa alas-4 ng hapon.
Nanguna ang Far Eastern University sa eliminations na may 7-0 record, habang ang University of the East ay tumapos sa 5-2 card, at hindi pa alam ang kanilang final preliminary round ranking.
May 4-1 kartada, maaaring kunin ng Benilde ang No. 2 ranking kapag tinalo nito ang Perpetual ngayon at ang also-ran Enderun College sa Linggo. Ang Lady Blazers-Lady Titans duel ay kapalit ng nakanselang laro noong September 1.
Ang Lady Altas ay nag-iingat ng 4-2 record at ang pagkatalo ay magseselyo sa kanilang No. 4 ranking sa elims.
Sa men’s division, maghaharap ang Perpetual at La Salle sa krusyal na laro para sa nalalabing semifinal berths, sa alas-12 ng tanghali.
Nabuhay ang Final Four hopes ng Altas (3-3) sa four-set victory kontra defending champion National University Bulldogs noong nakaraang September 10 kung saan balik sa aksiyon si ace spiker Louie Ramirez upang pangunahan ang koponan kontra Green Spikers.
“La Salle is one of the best teams here in the V-League, so we have to prepare. Ang motivation lang namin ngayon is pumasok sa semifinals. That’s very important for us,” sabi ni Perpetual coach Sammy Acaylar.
Subalit gagawin din ng 3-2 Green Spikers ang lahat para sa all-important victory papasok sa kanilang Sunday showdown sa fabled rivals Ateneo, na isa ring make-up para sa nakanselang laro noong September 1.
Samantala. sisikapin ng league-leading University of Santo Tomas na mahila ang kanilang streak kontra also-ran San Beda sa 10 a.m.opener ng four-game bill.