Laro ngayon:
(Philsports Arena)
4 p.m. – DLSU vs UST (Men)
MAGSASALPUKAN ang defending champion La Salle at University of Santo Tomas para sa nalalabing men’s Finals berth sa V-League Collegiate Challenge ngayong Miyerkoles sa Philsports Arena.
Sumasakay sa momentum mula sa 25-18, 25-20, 25-23 panalo noong Linggo, ang Green Spikers ay nakaiwas sa pagkakasibak upang ipuwersa ang deciding Game 3.
Ang mananalo sa 4 p.m. sudden-death match ay makakaharap ng Far Eastern University sa championship series simula sa Linggo, sa parehong Pasig venue.
Matapang na tumugon ang La Salle sa Game 2, maagang dinomina ang laro at nanatiling matatag sa third set upang kunin ang panalo at mapanatiling buhay ang kanilang title-retention campaign.
Batid ni Green Spikers coach Jose Roque na mag-a-adjust ang Golden Spikers sa decider.
“We need to stay hungrier,” sabi ni Roque, binigyang-diin ang kahalagahan ng pokus at disiplina ng La Salle sa laro.
“Our attention to our game plan was key, and I think the initiative of the players to follow through on the coaches’ instructions was vital,” dagdag pa niya.
Tinalo ng Tamaraws ang parehong koponan sa preliminary round.