NALUSUTAN ng Mapua ang Lyceum of the Philippines University sa limang sets, 23-25, 25-19, 25-23, 22-25, 15-11, upang makapasok sa win column sa V-League Collegiate Challenge kagabi sa Paco Arena.
Kinapos ang Lady Cardinals sa kanilang fourth set comeback subalit nagawang makabawi sa decider upang ipalasap sa Lady Pirates ang ikalawang sunod na kabiguan.
Ang LPU ay natalo rin sa two-time NCAA champion College of Saint Benilde noong Biyernes. Ang Mapua ay fourth placer sa Season 98
Nanguna si Raisa Ricablanca para sa Lady Cardinals na may 17 points, kabilang ang dalawang service aces, a pitong receptions habang nag-ambag si Roxie dela Cruz ng 15 points at 12 digs.
Nagdagdag si Nicole Ong ng 12 points, kabilang ang 3 blocks, habang nagtala rin si Hannah de Guzman ng 12 points.
Nakahinga nang maluwag si coach Aying Esteban makaraang malusutan ng Mapua ang two-hour, 19-minute contest.
“A win is a win,” sabi ni Esteban, na pinanghinayangan ang blocking performance ng koponan.
Kumana si Johna Dolorito ng 23 kills at gumawa si Jaja Tu- lang ng 18 points, ka- bilang ang 3 blocks, para sa Lady Pirates.
Samantala, pinataob ng Far Eastern University ang La Salle upang ibigay kay bagong coach Eddieson Orcullo ang kanyang unang panalo, habang ang Ateneo ay may winning debut sa men’s division.
Nagpakawala si Dryx Saavedra ng 25 kills, kabilang ang match winner, nang maungusan ng Tamaraws ang Green Spikers, 25-22, 20-25, 25- 23, 16-25, 17-15, upang makatabla ang kanilang biktima sa 1-1.
Humabol ang Blue Eagles mula sa pagkatalo sa first set upang gapiin ang Emilio Aguinaldo College, 23-25, 25-22, 25-19, 25-16.