V-LEAGUE: LADY WARRIORS SA SEMIS

Mga laro sa Miyerkoles:
(Paco Arena)
10 a.m. – Letran vs
NU (Men)
12 noon – UST vs
Ateneo (Men)
3 p.m. – UP vs
UST (Women)
5 p.m. – Benilde vs
LPU (Women)

NAGING matagumpay ang pagbabalik ni Casiey Dongallo at nalusutan ng University of the East ang Far Eastern University, 25-21, 24-26, 25-23, 22-25, 15-10, upang umabante sa semifinals ng V-League Collegiate Conference kahapon sa Paco Arena.

“Very happy with the performance of the girls. All of them worked really hard, we used a lot of players off the bench,” wika ni Lady Warriors coach Obet Vital.

“The starters also did well, special shoutout to Casiey (Dongallo) for being off for six months or so, coming back strong and performing really well,” dagdag pa niya.

Nagbuhos si Dongallo, na-sideline dahil sa hand injury, ng 31 points at 8 digs at tinapos ng UE ang kanilang preliminary round stint na may 4-2 record upang kunin ang solo second.

Nauna rito ay ginapi ng Letran ang Lyceum of the Philippines University, 20-25, 25-21, 26-24, 25-19, upang manatiling buhay ang kanilang maliit na pag-asang umabante sa Final Four.

Ang Lady Warriors ay nanalo ng tatlong sunod, ikinatuwa ang five-set win sa Lady Tamaraws, na nakapasok sa UAAP Final Four noong nakaraang season.

“This win is because of all the girls’ contributions individually and collectively as a team. I’m very happy, big win for us against a UAAP team, so this sets the tone going forward and we still have a couple of players out so looking forward to having everyone back soon,” ani Vital.

Nahulog ang FEU, na pinangunahan ni Jaz Ellerina na may 18 points, sa 3-3 kartada.

Umiskor si rising star Gia Maquilang ng 21 points, kabilang ang 2 blocks, at 11 digs habang nagpakawala si rookie Sheena Sarie ng 2 service aces upang tumapos na may 15 points para sa Lady Knights.

Ang Letran ay tabla ngayon sa NCAA rival at V-League holders College of Saint Benilde sa 2-3 at naghahabol sa fourth-running University of the Philippines (3-3) ng kalahating laro.