SISIKAPIN ng UAAP sides Far Eastern University at University of the East na manatiling walang talo sa magkahiwalay na NCAA rivals sa pagpapatuloy ng V-League Collegiate Challenge ngayon sa Paco Arena.
Makakasagupa ng Lady Tamaraws ang University of Perpetual Help System Dalta sa alas-10 ng umaga habang makakaharap ng Lady Warriors ang Mapua sa alas-12 ng tanghali sa pares ng inter-league showdowns.
Ang FEU at UE ay galing sa panalo kontra Lady Cardinals at Enderun sa straight-set fashions noong nakaraang Miyerkoles. Subalit bumawi ang Mapua sa five-set reversal kontra Lyceum of the Philippines University noong Linggo upang umangat sa 1-1 habang nag-debut ang Lady Altas sa pagwalis sa San Sebastian noong Biyernes.
Sa ilalim ni interim coach Manolo Refugia, ang Lady Tamaraws ay nanatili sa sistemang ipinatupad ni coach Tina Salak sa UAAP Season 85. Si Salak, nag-migrate na sa United States, ay umalis sa FEU matapos ang season.
Ipaparada ang bagong roster na pinangungunahan nina decorated high school stars Casiey Dongallo at Jelai Gajero, ang Lady Warriors ay determinadong kalimutan ang kanilang also-ran image at ang V-League stint ay makatutulong sa mga youngster na ito na makapaghanda para sa UAAP.
Sa men’s action, makakabangga ng National University ang pamilyar na katunggali subalit sa hindi pamilyar na sitwasyon, sa katauhan ng University of Santo Tomas na wala ang kanilang head coach at dalawang key players.
Tinalo ng Bulldogs ang Golden Spikers sa finals ng torneo at UAAP noong nakaraang taon na buo ang lineup ngunit sasalang sila sa kanilang 4 p.m. clash na wala sina mentor Dante Alinsunurin at top hitter Nico Almendras at ace playmaker Owa Retamar.
“May mga bagay pa kami na kailangang ayusin, lalo na sa service. Ang importante ay masubukan ko ‘yung team namin kahit wala silna Owa (Retamar) at Nico (Almendras),” sabi ni Alinsunurin, na nasa VIetnam para sa VTV Cup campaign ng PVL club Choco Mucho.
Samantala, sina Retamar at Almendras ay kapwa nakabakasyon.
“Pinaghahandaan namin ‘yung possibility na mawala sila in the next few years. Kailangan ready kami sa bawat laro at bawat liga na sinasalihan namin,” ani Alinsunurin.