V-LEAGUE: SEMIS PAKAY NG TIGRESSES

Mga laro ngayon:
(Paco Arena)
12 p.m. – UST vs Letran (Women)
3 p.m. – Ateneo vs Perpetual (Men)
5 p.m. – NU vs DLSU (Men)

TARGET ng unbeaten University of Santo Tomas ang unang semifinal berth sa pagsagupa sa Letran sa V-League Collegiate Challenge ngayong Miyerkoles sa Paco Arena.

Ang Tigresses ay pinapaboran hindi lamang ang makapuwesto sa Final Four, kundi ang makuha ang No. 1 ranking sa preliminaries sa 12 noon showdown sa Lady Knights.

Ang UST ay malaki ang agwat sa joint second placers Far Eastern University, University of the Philippines at University of the East, na may 3-2 records.

Target ng Angge Poyos-led Golden Tigresses na mahila ang kanilang winning streak sa lima.

May 1-3 record, kailangan ng Letran na ma-sweep ang kanilang huling dalawang laro sa convincing fashion at umasa na umangat sa points tiebreaker. May dalawang puntos, ang Lady Knights ay malayo sa kanilang pinakamalapit na pursuer, ang Lady Warriors, na may 8 points.

Nasa kontensiyon pa ang walang larong College of Saint Benilde sa 2-3 record at naghahabol ng isang laro para sa huling semis berth.

Nakataya ang Final Four implications, maghaharap ang UAAP holders National University at defending champion La Salle face sa key men’s showdown sa alas-5 ng hapon.

Sisikapin ng reigning NCAA titlist University of Perpetual Help System Dalta na makabawi mula sa shocking five-set loss sa Emilio Aguinaldo College sa pagsagupa sa Ateneo sa duelo ng struggling teams sa alas-3 ng hapon.