V-LEAGUE SEMIS ‘WAR’ SISIKLAB NA

Gaganap ng key role si Libero Max Juangco sa defensive end para sa FEU sa kanilang V-League Collegiate Challenge semis duel sa Perpetual. V-LEAGUE PHOTO

 

ITATAYA ng Far Eastern University ang kanilang unbeaten streak kontra University of Perpetual Help System Dalta, habang magsasagupa ang University of the East at College of Saint Benilde sa pares ng women’s semifinals duels sa V-League Collegiate Challenge ngayon sa Paco Arena.

Handa si Chenie Tagaod, pinangunahan ang dominant campaign ng Lady Tamaraws sa elims, sa showdown kay scoring machine Mary Rhose Dapol at sa iba pa sa Lady Altas sa opener ng kanilang best-of-three series sa alas-12 ng tanghali.

“As usual pag-aaralan namin ‘yung makakalaban namin. Re-review-hin ‘yung mga dapat aralin, para ‘pag tumuntong kami ulit dito, handa ang girls, handa ang coaches, handa kaming lahat,” sabi ni FEU interim coach Manolo Refugia.

Ang Lady Tamaraws ay namayani sa kanilang elimination round meeting kontra Lady Altas, 28-26, 17-25, 25-17, 25-13, noong nakaraang August 23.

Dalawang programa sa ilalim ni seasoned mentor Jerry Yee ang magbubukas sa hostilities sa alas-10 ng umaga kung saan paglalabanan ng Lady Warriors at ng Lady Blazers ang isa pang finals berth sa sarili nilang best-of-three playoff.

Pinataob ng Benilde ang UE, 23-25, 25-22, 29-27, 25-18, sa kanilang elims clash noong nakaraang September 10 kung saan motivated si Gayle Pascual at ang iba pa sa koponan na makaulit at kunin ang liderato sa maikling serye.

“Mabigat loob mo pag two programs ang naglaban,” ani Yee.

Sa men’s play, umaasa ang top seed University of Santo Tomas na mapanatili ang kanilang porma sa pagkawala ni head coach Odjie Mamon, na nasa national team sa Hangzhou Asian Games sa China, sa pagharap sa long-time volleyball rival Far Eastern University sa 4 p.m. semis opener.

Inaasahang sasakay ang Golden Spikers sa kanilang six-match win streak, kabilang ang 25-22, 26-24, 20-25, 25-18 elims victory kontra Tamaraws, kung saan muling pangungunahan ni reigning UAAP MVP Josh Ybañez ang opensa ng koponan.

Magsasalpukan naman ang Jian Salarzon-led Ateneo at ang La Salle sa alas-2 ng hapon para simulan ang kanilang sariling best-of-three series.

Papasok ang Blue Eagles sa semis na puno ng kumpiyansa matapos ang 25-17, 26-24, 25-15 sweep sa kanilang fabled rivals sa elims noong nakaraang Linggo.