V-LEAGUE: TAMARAWS SA SEMIS; GOLDEN SPIKERS SOLO 3RD

Mga laro sa Miyerkoles:
(Paco Arena)
12 p.m. – UST vs
Letran (Women)
3 p.m. – Ateneo vs
Perpetual (Men)
5 p.m. – NU vs
DLSU (Men)

NAHILA ng University of Santo Tomas ang kanilang winning streak sa V-League Collegiate Challenge sa apat na laro makaraang madominahan ang Emilio Aguinaldo College, 25-18, 25-17, 25-19, kahapon sa Paco Arena.

Nagtala si Paul Colinares ng 11 points, kabilang ang 6 blocks, upang pangunahan ang tatlong Golden Spikers na umiskor sa double digits.

Matapos ang pares ng talo sa pagsisimula ng conference, ang UST ay lumapit sa pagkopo ng isang semifinal spot sa eight-team preseason tournament.

Kinuha ng Golden Spikers ang solo third place na may 4-2 record.

Samantala, pinatalsik ng Far Eastern University ang defending champion La Salle sa unahan sa 5-1 kasunod ng 26-24, 22-25, 25-19, 29-27 panalo kontra Letran.

Ang panalo ay nagbigay rin sa Tamaraws ng isang puwesto sa semifinals.

Sa kabila ng mainit na streak, sinabi ni UST coach Odjie Mamon na ang kanilang kasalukuyang porma ay hindi pa umaayon sa sistema na nais niyang ipatupad. Tinukoy niya ang 28 errors ng koponan sa one-hour, 10-minute match bilang key area na dapat paghusayin.

“We will play according to our needs. So ang priority muna namin is to build our team moving forward,” sabi ni Mamon.

Nagdagdag si rookie JJ Macam ng dalawang crucial points sa huling bahagi ng laro at tumapos na may 10 points, pinantayan ang output ni Jay Rack De La Noche para sa Golden Spikers.

Nanguna si Jelord Talisayan para sa FEU na may 15 points, kabilang ang 3 blocks, at 7 receptions habang nagdagdag sina Dryx Saavedra at Amet Bituin ng 14 at 10 points, ayon sa pagkakasunod. Nagposte rin si Charles Absin ng 3 blocks.

“Thankful kami kasi nakita namin kung hanggang saan yung kapasidad ng players natin sa dikdikan na game. Actually, yung game na ito, nobody’s game eh kasi nag-error lang talaga sila. Kaya baka nagfifth set pa iyon,” sabi ni Tamaraws coach Ed Orcullo.

Tatapusin ng UST ang elimination round stint nito sa Sept. 11 kontra Ateneo.

Nahulog ang Generals, pinangunahan ni Jan Abor na may 11 points, sa 1-5. Ang tanging panalo ng EAC ay laban sa NCAA holders University of Perpetual Help System Dalta noong nakaraang linggo.

Nanganganib naman ang Knights na hindi makapasok sa semifinals makaraang malasap ang ika-4 na kabiguan sa anim na laro.