V-LEAGUE: UNANG PANALO ASAM NG 4 KOPONAN

VOLLEYBALL-2

APAT na women’s teams ang magtatangkang makapasok sa win column sa V-League Collegiate Challenge ngayon sa Paco Arena.

Magsasalpukan ang Lyceum of the Philippines University at Mapua sa alas-2 ng hapon, habang maghaharap ang Enderun at San Sebastian sa alas-4 ng hapon.

Sa men’s action, target ng La Salle na samahan ang NCAA holders University of Perpetual Help System Dalta sa ibabaw ng standings sa pagsagupa sa Far Eastern University sa alas-10 ng umaga, habang sasalang sa unang pagkakataon ang Ateneo kontra Emilio Aguinaldo College sa alas-12 ng tanghali.

Umaasa ang Lady Pirates na makabawi mula sa 19-25, 20-25, 13-25 pagkatalo sa College of Saint Benilde sa NCAA Finals rematch noong Biyernes.

Laban sa UAAP squad Lady Tamaraws, ang Lady Cardinals ay hindi nakaporma sa 13-25, 18-25, 15-25 pagkatalo noong nakaraang Miyerkoles.

Nasa kanilang VLeague debut ang Lady Titans, ang reigning NAASCU champions na sinimulan ang kanilang kampanya sa 16-25, 16-25, 20-25 defeat sa bagong bihis na University of the East side.

Nahirapan naman ang Lady Stags sa 18- 25, 19-25, 19-25 set- back sa Lady Altas.

Sinibak ng Tamaraws ang Green Spikers sa stepladder semifinals ng UAAP noong nakaraang Mayo, subalit kumpiyansa si La Salle coach Jose Roque na malaki na ang inihusay ng kanyang tropa magmula noon. “Our last
season was a bit chaotic. Now, we hope for a good start that can carry over into the UAAP season,” sabi ni Roque.

“Positive results will come if they give their best effort. Even if the game isn’t flawless, we’ll work on that.”