NILINAW ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na peke ang mga naglalabasang “COVID-19 vaccination exemption cards” at ang mga ito ay hindi kinikilala ng gobyerno.
Ito ang naging pahayag ni Malaya matapos na makatanggap ng ulat na mayroong mga COVID-19 vaccination exemption cards na naglalabasan ngayon.
“The public is warned that there is no such thing as a ‘vaccination exemption card’. This is not authorized, issued, nor recognized by the government. In other words, these are fake,” ayon kay Malaya sa isang panayam.
Nabatid na ang mga naturang hindi awtorisadong cards ay nagmula sa Facebook groups at group chats sa Davao at Soccsksargen.
Sinasabing maaari itong iparehistro sa local government units (LGUs) at kinikilala bilang kapalit ng COVID-19 vaccination cards.
“The so-called exemption cards look similar to the green COVID-19 Vaccination Cards being issued by several LGUs,” ani Malaya.
“Sa biglang tingin aakalain itong tunay dahil pareho ng kulay, format at hitsura,” aniya pa.
Kaugnay nito, nanawagan ang DILG official sa mga lokal na awtoridad na maging mas vigilante sa pag-iinspeksyon ng mga vaccination card sa mga provincial at regional borders habang umiiral pa ang restriksyon para sa mga hindi bakunadong indibidwal. EVELYN GARCIA