DAPAT na alam ng mga frontliner ang detalye ng vaccination plan ng pamahalaan
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, isa ito sa pagtutuunan niya ng pansin sa pagdinig na isasagawa ng Senado sa pamamagitan ng Committee of the Whole bukas.
Sinabi ng mga mambabatas, mga frontliner ang nasa bungad ng panganib sa pagharap ng Filipinas sa pandemya ng COVID-19 kung kaya’t tama lamang na maimpormahan ang mga ito sa mga galaw ng pamahalaan tungkol sa bakuna.
“The frontliners deserve to know because they are the ones who go to the morgues, they are the ones who attend to COVID patients. They deserve to know if they would be prioritized in the vaccination program. There is no reason for the officials concerned to ask for an executive session on this because there is nothing confidential or classified about it. Wala namang kalaban dito; ang kalaban natin dito, sakit. Hindi naman yan sasagot,” banggit ni Lacson sa panayam sa DZBB.
Ayon pa kay Lacson, naghihintay ang frontliners kung kailan at paano sila mababakunahan.
“Do we have a clear vaccination plan? Based on our conversations with doctors and frontliners, it appears we don’t. But frontliners are waiting to know when they would be prioritized in the vaccination program,” tanong ng mambabatas sa panayam sa kanya.
Uungkatin din ng mambabatas ang dalawang beses o mahigit pang pagkakawala ng oportunidad ng bansa para sa prayoridad ng suplay ng bakuna, una mula sa US-based Pfizer at pangalawa sa China-based na Sinopharm.
Sa mga impormasyong naglalabasan, kawalang-aksiyon sa bahagi ng kalihim ng Department of Health (DOH) ang nakikitang dahilan kung bakit nabigo ang bansa na mapabilang sa unang marereserbahan ng bakuna ng mga nabanggit na kompanya.
Sa bahagi ng Sinopharm, nag-alok pa umano ang kompanya ng pakikipagtulungan sa mga lokal na pharmaceutical firms para sa pagsasagawa ng clinical trials at technology transfer para dito na lumikha ng bakuna pero walang nangyari.
“Mukhang hindi natugunan yan kaya di natuloy yan,” banggit ni Lacson.
Ang pagkakatenggang ito ay nagbunga umano ng espekulasyon na maaring may ilang taga-gobyerno na “naghihintay” sa kalabang kompanya na Sinovac.
“Why did we miss at least two opportunities to procure vaccines? We had set aside more than P70 billion for vaccines for 2021, and we have entered into loans for the purpose, so the money is available. The problem is that someone dropped the ball on the paperwork. Now, even Bangladesh is ahead of us as far as getting vaccines is concerned,” banggit ni Lacson. LIZA SORIANO
Comments are closed.