VACCINATION PROGRAM NG PNP ITINIGIL MUNA

PANSAMANTALANG ipinatigil ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang vaccination program.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to Covid 19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander, PLt. Gen. Guillermo Eleazar, ang desisyong itigil muna ang pagbabakuna kontra COVID-19 ay makaraang maubos noong Linggo ang 1,200 doses ng Sinovac vaccine na inilaan para sa kanila.

Ayon kay Eleazar, wala pa silang impormasyon kung kailan muli makakatanggap ang PNP ng panibagong supply ng bakuna.

Hindi rin masabi ng opisyal kung may nakalaan sa PNP mula sa bagong-dating na bakuna ng AstraZenica.

Sa unang 1200 na doses ng Sinovac vaccine na natanggap ng PNP, 1,196 ang kanilang nagamit at apat ang “spoiled” dahil sa manufacturing defect.

Gayundin, ani Eleazar makalipas ang 28 araw ay kakailangang turukan muli para sa pangalawang dose ang 1,196 na nakatanggap ng unang bakuna ng Sinovac na inaasahang darating ang supply sa mga ito.
EUNICE CELARIO

2 thoughts on “VACCINATION PROGRAM NG PNP ITINIGIL MUNA”

Comments are closed.