VACCINATION PROGRAM SA CAVITE UMARANGKADA

CAVITE – UMAABOT sa 114 healthcare workers ang nabakunahan ng Sinovac mula sa national government sa ginanap na vaccination program sa Southern Tagalog Regional Hospital sa Brgy. Habay 2, Bacoor City, Cavite noong Miyerkules ng umaga.

Kabilang sa mga dumalo at sumaksi sa vaccination program ay ang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Bacoor City at representative ng national government na si DOH Regional Director na Dr. Eduardo Janairo.

Dalawa sa unang magpabakuna ng Sinovac ay sina Dr. Ephraim Tubiano, director ng STRH at Dra. Ivy Yrastorza ng Bacoor City Health office saka sinundan ng mga health care workers sa nasabing pagamutan.

Matapos ang unang batch ng vaccination program sa STRH at CHO ay susunod naman ang 2 MEGA vaccine hubs sa Bacoor Elementary School sa Brgy. Alima at Bacoor Coliseum sa Brgy. Molino 3.

Inaasahang mababakunahan ang 2, 200 healthcare workers bago isunod ang iba pang frontliners ng Bacoor City kung saan may karagdagang 238 vials na Sinovac ang dinala ng regional director ng Department of Health at gagamitin ngayong umaga (Biyernes).

Nagpasalamat naman ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Bacoor City kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa pamunuan ng IATF. MHAR BASCO

3 thoughts on “VACCINATION PROGRAM SA CAVITE UMARANGKADA”

  1. 878109 677260Can I just now say that of a relief to locate somebody who truly knows what theyre speaking about online. You actually know how to bring a difficulty to light and work out it crucial. The diet want to see this and appreciate this side on the story. I cant believe youre no much more popular since you undoubtedly possess the gift. 431678

  2. 534625 311804We give you with a table of all of the emoticons that can be used on this application, and the meaning of each symbol. Though it may well take some initial effort on your part, the skills garnered from regular and strategic use of social media will create a strong foundation to grow your business on ALL levels. 20396

Comments are closed.