VACCINATION SA ESSENTIAL WORKERS UMARANGKADA NA

UMARANGKADA na nitong Lunes ang COVID-19 vaccination para sa mga indibidwal na nasa ilalim ng A4 category o essential workers, na tinatayang aabot sa mahigit 35 milyon.

Mismong si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang nanguna sa kick-off ceremony para sa A4 COVID-19 vaccination sa SM MOA Arena, sa Pasay City.

Ayon sa pamahalaan, mahalaga ang pagbabakuna sa mga nasa A4 category o yaong lahat ng manggagawa na kinakailangang lumabas ng tahanan upang magtrabaho, maging sa pribado, gobyerno, informal o household sector man sila, ay unang hakbang patungo sa economic recovery ng bansa.

Nabatid na hinati ng pamahalaan ang vaccination rollout sa A4 category sa dalawang bahagi.

Sa Phase 1, kasama ang mga A4 workers sa NCR+8, na kinabibilangan ng Metro Manila, Cavite, Bulacan, Rizal, Laguna, Pampanga, Metro Cebu, at Metro Davao habang sa Phase 2 naman ay kasama ang mga A4 workers sa labas ng NCR+8.

Kabilang sa A4.1 o ang private sector workers na nagtatrabaho sa labas ng kanilang mga tahanan, A4.2 o ang mga empleyado ng mga ahensiya ng pamahalaan at instrumentalities, kabilang ang government-owned o controlled corporations at local government units (LGUs), at A4.3 o yaong informal sector workers at self-employed na nagtatrabaho sa labas ng kanilang tahanan at yaong nagtatrabaho sa mga private household.

Nabatid na kasama sa mga nasa ilalim ng A4 category na nakakuha ng first dose ng COVID-19 vaccine nitong Lunes ay isang fastfood worker, truck driver, isang journalist at ang celebrity couple na sina Iya Villania at Drew Arellano.

Mismong si Duque naman ang nagturok ng bakuna sa ilan sa kanila.

Samantala, tiniyak ng pamahalaan na kahit na umarangkada na ang A4 COVID-19 vaccination ay tuloy-tuloy pa rin silang magbabakuna para sa indibidwal na kasama sa A1, A2 at A3 category.

Ayon kay Vaccine czar Carlito Galvez, Jr., inaasahan nilang darating na sa bansa ngayong buwang ito ang may 10 milyong doses ng Sinovac, AstraZeneca, Pfizer-BioNTech, at Sputnik V vaccines, na magagamit nila upang magtuloy-tuloy na ang pagbabakuna sa A4 categories.

Pinuri naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsisimula ng pagbakuna sa mga A4 priority list.

Sa pamamagitan ng pag-arangkada sa mga manggagawang Pinoy ay namamataan na ang recovery mula sa pandemya kasabay naman ang pagdating ng milyong doses ng COVID-19 vaccines ngayong buwan.

Ibinida rin ng Pangulo na ang delivery ng marami pang bakuna sa bansa ay resulta ng pagsisikap ng pamahalaan para matiyak ang sapat na doses nito mula sa iba’t ibang drug makers.

Paalala naman ng Punong Ehekutibo na huwag magpakampante dahil hindi lang ang pagiging bakunado ang solusyon kundi dapat ipagpatuloy pa rin ang pag-iingat at pag-obserba sa minimum health protocols. Ana Rosario Hernandez/EVELYN QUIROZ

5 thoughts on “VACCINATION SA ESSENTIAL WORKERS UMARANGKADA NA”

  1. 170308 851088Oh my goodness! a fantastic post dude. Thanks a lot Nevertheless I will probably be experiencing trouble with ur rss . Dont know why Not able to sign up for it. Is there every person acquiring identical rss concern? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 19942

  2. 499619 438623My California Weight Loss diet invariably is an cost effective and versatile staying on your diet tv show produced for people who find themselves planning to drop extra pounds and furthermore ultimately keep a significantly healthier habits. la weight loss 940961

Comments are closed.