VACCINATION SA PNP GENERAL HOSPITAL SIMULA NA NGAYON

PANGUNGUNAHAN ni Philippine National Police (PNP) Chief, Ge­neral Debold Sinas ang pag-arangkada ng PNP Vaccination Plan: Caduceus partikular ang pagbakuna na nasa kanilang priority list sa PNP Ge­neral Hospital na nasa loob ng Camp Crame, Quezon City, ngayong araw, Marso 1.

Ito ang kinumpirma ni PNP Spokesman, BGen. Ildebrandi Usana sa PNP Press Corps, sisimulang ngayong alas-9 ng umaga ang pag-arangkada ng vaccination na sasaksihan ni Sinas at ng ibang matataas na opisyal ng police force kabilang ang mga commander ng Administrative Support to COVID-19 Task Force at Joint Task Force COVID Shield na sina Police Lieutenant Generals Guillermo Elea­zar, Deputy Chief for Administration, Cesar Hawthorne Binag Deputy Chief for Operations at maging si Joselito Vera Cruz, The Chief for Directiorial Staff.

Sa panayam kay Usa­na, sinabi nito na bukas sa media coverage ang event ng vaccination at maaa­ring maging saksi ang mga mamamahayag.

“Yes po, papasukin naman po kayo (media) sa area of vaccination,” tugon ni Usana sa katanungan na bukas sa media coverage ang unang bagsak ng pagbakuna.

Sa hiwalay na source ng Pilipino MIRROR, sabunang yugto ng vaccination ngayong araw, Marso 1 ay sabay-sabay na gagawin sa bansa kung saan kabilang ang PNP at ang venue ay sa PNP General Hospital na pangangasiwaan ni Interior Undersecretary Bernie Florece na kakatawan sa national government habang si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kinatawan sa local government unit.

Kabilang din sa kasabay ng pagbabakuna, ang Lung Center na pangungunahan nina Health Secretary Francisco Duque, MMDA Chairman Benhur Abalos; Philippine Gene­ral Hospital, na kakatawanin nina Presidential Spokesman Harry Roque, Vaccine Czar Carlito Galvez at Mayor Isko Moreno at sa Tala Hospital na pangangasiwaan ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan sa panig ng LGU at Secretary Vince Dizon, ang testing Czar; sa Veterans/V. Luna Hospital ang mangagasiwa ay sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff, Gen. Cirilito Sobejana. EUNICE CELARIO

2 thoughts on “VACCINATION SA PNP GENERAL HOSPITAL SIMULA NA NGAYON”

Comments are closed.