VACCINATION TULOY KAHIT NASA ECQ

MAGPAPATULOY ang programang baksinasyon sa Pateros sa kabila ng pagsasailalim ng buong National Capital Region (NCR) sa mas pinahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) na magiging epektibo simula Agosto 6 hanggang Agosto 20.

Ayon sa pamahalaang lokal ng Pateros, ang walk-ins na nais magpabakuna ay may pagkakataon na lamang nang hanggang Agosto 5 at sa pagsisimula ng pagpapatupad ng ECQ sa Agosto 6 ay hindi na tatanggap pa ng walk-ins.

Bagaman mas mahigpit ang mga panuntunan na nararapat sundin sa ilalim ng ECQ, ipagpapatuloy pa rin ang programang baksinasyon lalu-lalo na sa mga tatanggap ng ikalawang dose na hindi maaaring ihinto o i-delay.

Inihayag din ng munisipalidad na sa darating na Agosto 6,ang lahat ng indibidwal ay kailangang magparehistro upang mabigyan ng pagkakataon na mabakunahan at mabigyan ng iskedyul para hindi dumami ang tao sa vaccination sites.

Gayundin,simula ngayong araw ay muling ibabalik ng pamahalaang lungsod ang express vaccination registration kung saan ang mga nagpaplanong magpabakuna ay magte-text na lamang ng kanilang personal na impormasyon sa celphone para makapagparehistro.

Ang suplay na bakuna ng gobyerno na single-shot na Janssen vaccines ng Johnson & Johnson at ang Pfizer-BioNTech vaccines na bagong suplay ng gobyerno sa munisipalidad ay ipagkakaloob para lamang sa mga senior citizens (A2 category) at persons with comorbidities (A3 category).

Ito ang huling pagkakataon sa mga senior citizens na hanggang sa kasalukuyan ay ayaw pa ring magpabakuna, kapag hindi pa rin magpapabakuna ang mga ito ay mapipilitang ipagkaloob ang mga bakunang ito sa ibang indibidwal.

Bilang tugon ng munisipalidad sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 at ng banta ng mas mabilis na nakahahawang Delta variant ay mas pinahigpit ang implementasyon ng health protocols kabilang ang pag-aresto sa mga lumalabag sa hindi pagsusuot ng face mask at face shield.

Kaygnay nito, noong Sabado ay iniutos ang mu­ling pagpapatupad ng liquor ban sa Pateros pamamagitan ng inilabas na executive order na nagbabawal sa pagbili at pagbenta ng alak sa buong munisipalidad maliban na lamang ang malalaking business establishments tulad ng supermarkets at groceries na nagbebenta ng alak para i-deliver sa labas ng Pateros. MARIVIC FERNANDEZ

8 thoughts on “VACCINATION TULOY KAHIT NASA ECQ”

  1. Neat blog! Is your theme custom made or did you download it from somewhere?
    A theme like yours with a few simple tweeks would really
    make my blog shine. Please let me know where you
    got your design. Many thanks

Comments are closed.