VACCINE EPEKTIBO PA RIN VS DELTA VARIANT

EPEKTIBO  pa rin ang mga bakuna laban sa mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19.

Ito ang tiniyak kahapon ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo kasunod na rin ng banta ng pagkalat ng mga kaso ng naturang variant of concern sa bansa.

Ayon kay Domingo, bagamat bahagyang bumaba ang naibibigay na proteksiyon ng mga bakuna laban sa Delta variant, nakapagbibigay pa rin aniya ang mga ito ng proteksiyon laban sa malalang sintomas ng sakit at posibleng pagkamatay dahil dito.

“Nakikita na kahit na bumababa ng kaunti yung sa Delta virus ang protection na-re-reduce nang kaunti against symptomatic disease… Yung protection against severe and death is retained,” aniya pa.

Sinabi ng FDA chief na sa 21 Delta variant cases sa Philippine General Hospital (PGH), 15 ang mild cases, isa ang asymptomatic, isa ang moderate, dalawa ang severe at dalawa ang critical.

Kabilang aniya sa nagka-severe cases ay dalawang pasyente na hindi pa nabakunahan laban sa virus, habang sa mga critical cases naman, isa ang hindi pa nabakunahan, habang ang isa pa ay naka-first dose pa lamang ng bakuna.

Samantala, ang mga fully-vaccinated naman na dinapuan ng Delta variant ay hindi dinapuan ng malalang karamdaman at hindi rin namatay.

“‘Yung fully vaccinated hindi nagkaka-severe disease at hindi namamatay. Ang namatay ay partially vaccinated at unvaccinated,” paliwanag pa ni Domingo.

Una nang iniulat ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa siyam ang pasyente ng Delta variant ng COVID-19 na binawian ng buhay sa bansa.

Batay sa datos ng DOH, mayroon nang 216 Delta variant cases sa bansa at 17 pa sa mga aktibo ang nananatiling aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman. Ana Rosario Hernandez

4 thoughts on “VACCINE EPEKTIBO PA RIN VS DELTA VARIANT”

  1. 319725 661161Hey there, I think your blog may well be having browser compatibility issues. When I look at your internet site in Safari, it looks fine but when opening in Internet Explorer, it has some overlapping. I just wanted to give you a quick heads up! Other then that, superb weblog! 846139

Comments are closed.