Valentine’s gift para sa kanya

Bakit ba laging napakahirap humanap ng regalo sa boyfriend kung Valentine’s Day. Sa babae, pwede na ang chocolates and roses. Pwedeng dagdagan ng stuffed toy, o kaya naman, kahit anong alahas, damit o bag. Pero sa lalaki, laging namomroblema ang kababaihan.

Huwag mag-alala. Me­ron tayong mga suggestion na sana ay makatulong sa inyo. Pumili na kayo para hindi na kayo mahirapan.

  1. Para sa lalaking meron na ng lahat – yung rich boy baga

Kung mayaman ang boyfriend mo, at wala ka nang maisip na panregalo sa kanya ngayong Valentine’s Day, don’t worry! Heto ang ilang pagpipilian ninyo

Panonnood ng spor­ting event

Parang imposible sa panahon ng pandemya pero di ba okay ang sports date night? Magugustuhan niya ito, for sure.

Erasable and Reusable  Notebook

Mahirap hanapin ito sa mga bookstore dahil bukod sa mahal, bihira kasi ang bumibili. Simple lang ito pero unique at talagang magagamit niya. Sa totoo lang, para sa mga taong meron na ng lahat, yung mga simpleng bagay ang wala siya. At ang pinakaimportante sa lahat, habang ginagamit niya ang notebook, naaalala ka niya.

* A love letter

Kelan ka ba huling nakatanggap ng love letter – actually, kahit simpleng letter lang. Hindi na kasi uso. Email na ngayon, Twitter, Facebook at Instagram. Kaya kung bibigyan mo siya ng love letter, con todo perfumed stationary, hindi ba kakaiba? Ibalik ninyo ang inyong boyfriend sa panahong napakahalaga ng stationary paper at ballpen sa magkasintahan.

Ngayong Valentine’s Day, regaluhan siya ng bagay na may personal touch, sa pamamagitan ng paglalahad ng iyong emosyon at damdamin para sa kanya.

* Short, memorable trip

Umisip ka ng paborito ninyong lugar at puntahan ninyo sa Valentine’s Day na may side trip sa isang sikat na restaurant o museum.

Pero siguruhin mong sa Metro Manila lang para matatapos sa loob ng isang araw. Kung sobra siyang busy sa trabaho, gawing relaxing ang Valentine’s Day treat para sa kanya. Pwede rin sigurong magsama kayo sa massage spa bago ang dinner date sa dakong gabi.

Mukhang simple lang ito pero siguradong pareho ninyong magugustuhan.

  1. Para sa BF na malayo sa’yo

Simple ‘I love you’ will do, pero i-personalize mo sa pamamagitan ng pagsusulat nito sa likod ng sexy printed picture mo.

  1. Sa mga lalaking mahilig sa karne

Pwede na ang Beef Jerky o kahit anong home-cooked ulam na sana, ikaw ang nagluto para extra special. Ito yung best way to say “I love you” at napangalagaan mo rin ang kanyang kalusugan.

  1. Para sa BF na maga­ling magluto

Ewan! Sigu­ro, frying pan, kaserola o mini oven na panggawa ng cookies. Pwede ring cam­ping kasama siya, complete with camping treats na siya ang magluluto.

Kung walang wala ka na talagang maisip, settle for a bottle of wine o kaya naman ay home prepared dinner date, plus a movie marathon pagkatapos kumain at the comfort of your li­ving room, complete with popcorn at soda.

Mahirap kasing maki­pagsiksikan sa mga sinehan kapag Valentine’s Day.

Hindi lang sa movies, mayroon pang pang isa – alam nyo na! Sa lugar na malamig at maraing salamin. JAYZL VILLAFANIA NEBRE