VALENTINE’S SA OLD MANILA BAY

doc ed bien

ADVANCED happy Valentine’s day lovers! I’m sure aligaga na naman ang inyong mga BF sa kakahanap ng mura-murang rosas (na bali at may alambre ang tangkay) at romantic place na mapapasyalan.

How about sa Lu­neta? Baduy na ba?

Honestly inabot ko pa noong aking kabataan ang doon makipag-date. Akma sa akin ang kanta ng yumaong si Rico J ang “na-mamasyal pa sa Luneta… nang walang peraaah!”

It is quite funny now pero iyon talaga ang tagpuan bago pa nauso ang malls kung saan-saan. Malamig at presko ang simoy ng hangin lalo na sa dapit-hapon. Aantayin ninyong magsing-irog ang paglubog ng araw at dadampian ng halik ang matatamis niyang labi. Yaaak! Many coños and sosyaleras would say.

manila bay -1KAHALAGAHAN NG KALINISAN

Pero ang dating marumi at mabaho ay malinis na ngayon.

Para bang naibalik tayo noong unang panahon. I love it kapag may magandang nagawa tapos walang pa-photo op. Hinahanap ko ang litrato ni PRRD na nakatayo sa Luneta at may hawak na walis, pero parang wala. Walang janitorial pose gaya ng sumbat ng isang blogger? Kawawang nilalang.

Many people really will only see a ‘glass half empty’ instead of a ‘glass half full’. Come on guys, honestly, would you rather let your children breathe in ‘yung hangin sa Manila Bay before the clean up or after? Hindi kaya matetano ang baga nila sa nak-asusulasok na amoy ng dagat sa 4 o 5 ng nagdaang adminis­trasyon?

We deserve the kind of government we voted for. Now it’s time to be mature. Hindi na uso ang guwapo at papogi. Nor catchy slogans. Napag-iwanan na tayo ng ma­raming bansa sa Asya. Abutin naman sana natin in this lifetime – ang kasaganaan at ka-lusu­gan.

AYAW KO NA NG PLASTIK!

Ayon kay Rolf Halden, propesor sa School of Sustainable Engineering sa Arizona State University, may kaugnayan ang mga kemikal sa plastic manufacturing sa kalusugan ng tao. Nagtataglay kasi ito ng mga nakalalasong Bisphenol-A o BPA at additives gaya ng Di-ethylhexyl phthalate o DEHP. May potensiyal ito sa tumor formation sa utak, pros­­­­tata at sa mga fetus o sanggol.

Na miss ko na tuloy ang mga patutsada ng dating Sen. Miriam. Ayaw raw niya sa mga makakapal ang mukha at mga plastik. Sa panahong ito na hangad natin ay malinis na kapaligiran ay nagkalat na naman ang  posters at tarpolina ng mga kumakandidato. Mga basurang itatambak muli. Milyones ang halaga ng kamapanyang ito para sa sahod lang na isandaang libo? Mga plastik kung sasabi-hin ninyong paglilingkod ang layunin. Madali ka­sing bawiin iyon sa mga bogus na proyekto gaya ng tulay-tulayan, expired na bakuna at pestisidyo.

KINABUKASAN PARA SA KABATAAN

ASTHMAIsa pang sanhi ng basura ay asthma. Dumarami ang mayroon nito dahil sa toxins in our environment.

Asthma is a chronic inflammatory condition which affects the airways, causing breathing difficulties. The causes vary with each individual, such as: dietary and environmental allergies, pollution, infections, and chemical imbalances in the body among others.

The Philippines ranks No. 9 in asthma mortality, and prevalence of 12% worldwide. That means 1 out of 11 Filipinos have asthma. A nationwide study conducted by the National Nutrition and Health Survey showed that about 12.4% of children aged 14 to 15 years old are afflicted with asthma. There is no real cure for asthma so prevention is very important. Baguhin na po natin ang ating ugali. Huwag magpadala sa mga matatamis lang na salita.

Tandaan, ang tamis ay nauuwi sa diabetes.

*Quotes

“Pagkatapos ng Manila Bay rehab ‘yang Kongreso dapat ma rehab din. Itapon na ‘yung mga bulok na basurang Partyl-ist.”

Blogger FB post 30 January, 2019

oOo

Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusu­gang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien medical wellness. God bless dear readers!

Comments are closed.