GUMAWA ng pinakamagandang tax record ang Valenzuela Revenue District Office sa kasaysayan ng tax collection sa Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos itong makapagtala ng pinakamataas na tax collection performance, ayon sa information tax mode ng Department of Finance (DOF).
Mula lamang buwan ng Hunyo hanggang Agosto ay nakapagrehistro ang BIR-Valenzuela District Office ng P334,022,348.41, mas mataas ng P134,341,419 kumpara sa tax goal na P314,000,000.00 lamang o katumbas ng 28.78% increase, batay sa collection performance record na itinala ni RDO CPA/Lawyer Rufo B Ranario.
Natangay sa top collection performance ng Valenzuela District Office sa pagtaas ng goal ng mother unit nitong Caloocan Regional Office sa ilalim ni BIR Regional Director Grace Javier na nakakolekta ng P1,643,095,000.00, mas mataas ng 32.42% kumpara sa last year’s goal na P1,643,095,000.00 o nagkaroon ng karagdagang P794,395,021.56.
Base sa metrix merit tax collection performance, tulad ni RDO Ranario, nagpamalas din ng mahusay na pagkolekta ng buwis si Caloocan City RDO Mike Morada na nakapagtala ng P306,380,017.23, mas mataas ng P203,378,675.30 kumpara sa nakaraang taong goal o nag-increase ng 39.90 percent.
Naka-goal din ang RDO West Bulacan sa naitala nitong P347,561,000.00, nag-increase ng P169,277,400.36; sumunod ang East Bulacan na may P407,953,000.00; habang lumasap naman ng pinakamatinding short fall ang distrito ng Malabon/Navotas na nakakolekta lamang ng P285,564,287.67 o pinakakulelat sa lahat.
Dahil sa ‘poor performance’ ng Malabon/Navotas district office, posibleng masibak sa puwesto ang RDO nito.
Sa tax collection data performance by regions, nanguna sa talaan ang Makati City-A sa ilalim ni Regional Director Maridur Rosario, sumunod sina Director Javier, Quezon City-A Regional Director Albin Galanza, QC-B Regional Director Romulo Aguila, Manila City Regional Director Jethro Sabariaga at Makati City-B Regional Director Glen Geraldino.
Hindi nakaporma ang mga business establishment sa Camanava at Bulacan nang galugarin ang mga ito ng grupo ng mga RDO na sakop ng BIR Caloocan City region kung saan karamihan sa mga ito ay agad ipinasara, isinailim sa masusing imbestigasyon, kinasuhan ng tax evasion at pinagmulta dahil sa ‘di pagtupad sa kanilang yearly tax obligations.
Ang massive tax campaign sa lahat ng saklaw ng Caloocan City regional office ay iniutos ni Director Javier matapos nilang matuklasan na noong nakaraang tax deadline ay marami sa mga negosyante ang nagsipag-file lang ng tax returns ngunit hindi nagbayad ng buwis at idinahilan lamang ang pandemya.
Ang muling pagsigla ng tax collection performance sa mga distrito ng BIR sa kabila ng pananalasa ng COVID-19 ay hudyat ng pagsisimula ng pagbangon ng ekonomiya na nalugmok dahil sa pandemya.
Ang BIR ay naatasang kumolekta ng P2.371 trillion sa taong ito, P2.914 trillion sa 2021 at P3.287 naman sa 2022.
oOo
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag email sa [email protected].
Comments are closed.