NABAKUNAHAN na si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ng unang dose ng Sinovac kontra COVID-19 na ginanap sa People’s Park Amphitheater ng lungsod.
Ayon kay Gatchalian, basta FDA approved ang bakuna ay ligtas ito at ang importante ay mabakunahan ang lahat.
Nabatid na dahil ang National Capital Region (NCR) ay nasa ilalim ng critical o high-risk na lugar kung kaya’t ang mayors at governors ay classified na sa ilalim ng A1 o ang unang priority group na makatanggap ng COVID-19 vaccine.
Inihayag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na ang mga local chief executive ay itinuturing na essential frontliners.
Nabatid na noong Marso 31, ang bilang ng mga eligible frontline health worker na nakatanggap ng bakuna sa COVID-19 mula sa Department of Health (DOH) ay nasa 4,571 at may 3,886 na indibidwal sa unang dose na umabot sa 85%, at 49 indibidwal naman ang nakumpleto na ng pangalawang doses ng bakuna.
Nakapagtala ang Valenzuela City ng 1,006 active COVID-19 cases na mayroong 13,883 active, 12,537 recovered at 340 deaths.
Kaya’t muling nagpaalala ng pamahalaang lungsod na magparehestro sa www.valtrace.appcase.net, para sa pagpabakuna na isang simula tungo sa isang ligtas na komunidad. VICK TANES
335917 319251Overall, politicians are split on the concern of whether Twitter is a lot more for business or personal use. The first thing is the fact that you can build up quite a large following of men and women. 148495
504459 466713Aw, this was an exceptionally good post. In concept I would like to location in writing such as this moreover – spending time and actual effort to create a excellent article but so what can I say I procrastinate alot via no indicates find a approach to go completed. 91208
998019 213015Hi, Thanks for your page. I discovered your page via Bing and hope you keep providing more good articles. 381950