VALENZUELA NEGATIBO SA ‘MENINGOCOCCEMIA’

meningococcemia

NEGATIBO ang resulta ng pagsusuri kaugnay ng hinihina­lang kaso ng meningococcemia sa Valenzuela City Emergency Hospital (VCEH).

Ito ang inanunsiyo ng Valenzuela City Government sa kanilang Facebook page kasunod ng pagkamatay ng isang batang babae na nakitaan umano ng sintomas ng meningococcemia kabilang ang lagnat, pagsusuka at rashes.

Gayunpaman, pinaaalalahanan ng Pamahalang Lungsod ang publiko na huwag pangunahan ng takot, at maging maingat sa ka-lusugan. Mananati­ling bukas ang VCEH at iba pang pasilidad ng lokal na pamahalaan para sa mga pasyente ano mang oras.

Ayon sa health authorities na ang meningococcemia ay maaaring makahawa lamang sa ibang tao sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan sa taong may sakit at hindi ito isang sakit sa hangin.

Una ng sinabi ni Mayor Rex Gatchalian na isinailalim ng local health department ang ER (emergency room) department para sa fumigation, ultraviolet (UV) light at disinfection habang ang mga miyembro ng pamilya ng biktima at lahat ng naka-duty na mga tauhan ng oras na dinala ang bata sa natu­rang hospital ay bibigyan ng antibiotics. EVELYN GARCIA

Comments are closed.