NAG-PARTNER ang local government units (LGU) ng Valenzuela, Pasig at Antipolo City para sa pagpapalawak ng sariling digital contact tracing solutions ngayong panahon ng pandemic.
Naganap ang interconnectivity agreement sa pagitan nina Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, Pasig Mayor Vico Sotto at Antipolo Mayor Andrea Ynares para sa contact tracing programs na maayos na ma-monitor at maisagawa ang contact tracing na papasok at lalabas ng kanilang siyudad at maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Nagkasundo ang tatlong LGU na pagsamahin ang contact tracing QR codes ng PasigPass, ValTrace at Antipolo Bantay COVID-19 na gagamitin sa pagpasok sa mga establisimiyento.
Nilinaw ng mga alkalde na hindi naman kailangang mag-sign up sa tatlong websites dahil magagamit ito basta meron kang QR code. VICK TANES
Comments are closed.