VALIDITY NG 2019 BUDGET PINALAWIG HANGGANG DISYEMBRE 2020

Budget

PASADO na sa plenar­yo sa Kamara ang panukalang nagpapalawig sa bisa o validity ng 2019 national budget hanggang sa susunod na taon.

Matapos aprubahan sa 1st reading ng House Committee on Appropriations ay inaprubahan agad ang resolusyon na nagpapalawig ng validity ng 2019 budget hanggang sa Disyembre  31, 2020.

Ibig sabihin ang unobligated funds o hindi nagamit na pondo sa maintenance and other operating expenses (MOOE) na P324.758 billion at P339.53 billion capital outlays (CO) sa ilalim ng 2019 national budget ay maaaring magamit sa 2020 para sa pagpapatuloy ng mga proyekto at programa.

Itinuturong dahilan sa delay ng approval ng budget ng 2019 ay ang election ban na nagresulta sa pagkabinbin sa implementasyon ng mga infrastructure projects at iba pang basic social services.

Bukod dito, sinabi ni Appropriations Committee Vice Chairman Joey Salceda na epekto rin ito ng restrictions na hatid ng cash-based budgeting system ang pagkadiskaril ng ilang mga proyekto.

Iginiit ng kongresista na mahalaga ang 1-year extension upang hindi madaliin at magahol sa oras ang December 2019 deadline na implementasyon ng mga nakalinyang proyekto at programa. CONDE BATAC

Comments are closed.