Valkyrae, Filipino- German streamer

Kaye Nebre Martin

HINDI  ko alam kung makokonsiderang negosyo ang pagiging online gamer, pero si Rachell Hofstetter na mas kilala sa tawag na Valkyrae, ay isang Filipino-German streamer na kamakailan lamang ay nakalikha ng career sa online gaming industry. Siya ang bida sa bilang blood-spitting heroine sa Day Walker, isang bagong horror-tinged music video na may title na Machine Gun na si Kelly ang may likha.

Ayon sa report ng New York Times, si Valkyrae ang fastest growing live streamer sa buong mundo na tinaguriang “biggest female gaming streamer’.

Ang 29-anyos na gamer ay isa na ngayon sa mga may-ari ng 100 Thieves, isang e-sports team juggernaut and lifestyle brand sa Los Angeles!

Pero solo router daw si Valkyrae. At grabe! Sobrang bilis niya sa livestream. Ipinakita ni Valkyrae ang kanyang impressive download speeds na hindi halos mapaniwalaan ng Cube Gang members.

Sa katatapos na stream, nag-upload si Rachell “Valkyrae” ng game para makipaglaro sa mga kasamahan niyang Cube Gang members. Nag-download siya ng game sa kanyang Steam library sa loob lamang ng 20 seconds kahit sobra itong three gigabytes.

Sobrang nakakabilib si Rachell, at kinukunsidera siyang great gamer. Wala namang straight answer kung bakit napakahusay ni Valkyrae sa gaming. Basta magaling siya. Kumbinasyon ito ng ilang bagay. For starters, matapang siya at desidido sa kanyang mga desisyon. Kakaiba siya. Kalmado siya kapag naglalaro at analyrical din sa bawat sitwasyon. Dedicated din sya sa lahat ng pagkakataon.

At isa pa nga pala, very good observer si Valkyrae sa mga laro. Alam ni Valkyrae kung kelan nanghihina na ang kalaban at alam niya kung kelan titira. Pwede siyang mag-fake ng task para padamahin ang kalaban. At mas pamilyar ka sa kanya, mas Madali ka niyang mabasa.

Mga readers, milyunarya na siya dahil sa pagiging gamer. Gosh, sana all. KNM