VAN AT BAHAY INARARO NG TREN, 7 SUGATAN 

laguna train

LAGUNA – NASA maayos nang kalagayan  ang pito katao kabilang ang driver at pasahero ng isang van matapos aksidenteng mabundol ng tren sa Brgy. Parian, lungsod ng Calamba, kahapon ng madaling araw.

Base sa inisyal na ulat ni Public Order and Safety Office (POSO) Chief Jeffrey Rodriguez, nakilala ang tsuper ng van na si Jourdan Sancon, at pasahero nitong si Miguel Guantero.

Samantala, lima naman sa miyembro ng isang pamilya ang nadamay habang aktong natutulog sa loob ng kanilang bahay na sina Nilda Valmoria, 55, Lea Manuod, 20, Lorie Leonen, 46, John Valmoria, 2-anyos, at sanggol na si Zazhela Valmoria, 7 buwan, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, dakong alas-5:00 ng madaling araw habang patungo ng Tutuban Station sa Maynila ang naturang tren ng hindi inaasahang bumagtas sa riles ang van na minamaneho ni Sancon habang sakay ang pasaherong si Guantero.

Dahil dito, nakaladkad ito ng tren kabilang ang nakaparadang tricycle sa mismong bahay ng mga biktima bago pa umano nagawang huminto mahigit 17 metro ang layo nito sa pinangyarihan ng insidente.

Nawasak ang gilid ng van at tricycle kabilang ang kabuuang bahay ng mga biktima kung saan natabunan pa ang mga ito ng bumagsak na bakal, kahoy at lupa.

Samantala, pawang nasa maayos ng kalalagayan ngayon ang mga biktima habang sumasailalim ang mga ito sa isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kabilang ang operator ng PNR Train na si Mark Jansen Deuna at co-operator nitong si Bernardo Bognot. DICK GARAY

Comments are closed.