CAVITE- ARESTADO ang isang 41-anyos na family driver nang isuplong ito ng kanyang amo na makaraang tangayin ang van at nagnakaw pa na nasa P1 milyon.
Kinilala ng Criminal Investigation and Detection Group-Cavite ang inaresto na si Rody Pader, 41, at napag-alaman na ilan buwan pa lang driver ng isang retired government employee.
Natunton si Pader sa loob ng isang sikat ng motel kasama ang apat na kababaihan na pawang mga nakahiga sa kama.
Ayon sa mga operatiba ng PNP-CIDG natukso umano si Pader na pagnakawan ang biktima kung saan minanmanan nito ang kilos at kung saan itinatago ang pera na galing sa mga negosyo nito.
Nagpatulong pa umano si Pader sa isa nitong kaibigan driver sa gagawin pagnanakaw at siyang nagmaneho sa ninakaw na Van.
Matapos ang pagnanakaw ,ilan araw umanong nag-happy happy si Pader at kaibigan nito sa mga ktv bar at dito ipinost ng suspect ang litrato ng mga pera na nakita naman.ng biktima.
Agad na humingi ng tulong ang retired govt employee sa mga pulis at agad na nadakip ang suspek. ARMAN CAMBE