VAN AT TRIKE NAGSALPUKAN, 5 NADISGRASYA

ROAD ACCIDENT-1

GENERAL SANTOS CITY –LIMA katao ang minalas na nasawi habang tatlo ang sugatan kabilang ang isang malubha sa banggaan ng tricycle at passenger van sa Brgy. Apopong.

Sa report ng Traffic Management Unit (TMU)-General Santos, nasa inner lane ang tricycle patungo sa Polomolok, South Cotabato habang nasa ka-bilang lane naman ang van na papunta sa direksiyon ng Makar.

Nag-overtake umano ang van sa isang tricycle kaya nabangga nito ang kasalubong na topdown.

Sinasabing dahil sa lakas ng impact ay tumilapon ang mga sakay ng topdown.

Kinilala ang mga namatay na sakay ng topdown na sina Josefina Requintosa, 65, taga-Puting Bato, Calumpang; Lenny Rose Sobreo, 30, pitong bu-wang buntis; Antonio Sobreo Jr, driver; Annilyn Rose Sobreo, 2, pawang mga residente ng Purok Bayanihan, Polomolok.

Nasa kritikal namang kalagayan ang 11-anyos na si Mary Joy Requintosa dahil sa natamong head injury.

Isinugod din sa pagamutan ang mga sakay ng van na sina Joana Marie Arancillo, 15, at Loren Arsolo, pawang mga residente sa Ge­neral Santos da-hil sa natamong injury. VERLIN RUIZ

Comments are closed.