Van for hire ni Gerry Dolutan

Story & photos by JAYZL VILLAFANIA NEBRE

Ready na ba kayo para sa isang hindi makalimutang lakwatsa sa susunod holiday? Yes! Kaso, nagkayayaan, at wala palang sasakyan dahil ang plano mo sana ay magko-commute ka lang.

Don’t worry, may isang Gerry Dolutan na maaasahan. Mayroon siyang 18-seater van for hire, kaya solb lahat ng problema. Perfect na perfect ito para sa barkadahan ninyo. Affordable ang rates at reliable a ang service, may makwentong driver ka pa.

Dati, ordinaryong driver lamang si Gerry na nangangarap magkaroon ng sariling sasakyan. Hindi ito madali dahil mamahalin ang sasakyang gusto niya. Isa pa, may binubuhay siyang asawa at mga anak, at ang kinikita niya sa pagiging family driver ay dapat lamang sa pangangailangan ng pamilya. Nabanggit niya ito sa kanyang boss, na nagkataon may mabuti naman slang kalooban. Nagrisinta itong pahiramin siya ng perang pang-down payment sa isang second hand Hi-Ace van. Tuwang tuwa namang tinanggap ito ni Gerry dahil P50,000 lang naman ang down payment at kayang kaya niya itong hulugan sa sweldo niya.

Pero may problema. P16,000 ang monthly amortization ng van. Kung magbabayad siya ng P5000 kada buwan sa kanyang amo para mabayaran ang kanyang utang sa loob ng sampung buwan, kulang pa rin ang sinusweldo niyang P20,000. Isa pa, ano ang gagastusin ng pamilya — magkokolehiyo pa naman ang kanyang panganay.

Bilang solusyon, naisip niyang parentahan ang kanyang van sa mga kakilala at kaibigan — na mas mura kesa karaniwang kalakaran, dahil nga kaibigan. Marami siyang kakilalang umaarkila ng sasakyan, maghahatid o susunod ng balikbayan sa airport. Mayroon ding gustong pumunta sa Manaoag o Baguio o kahit sa Laguna at Quezon.

Gayunman, isang araw lamang sa isang linggo ang kanyang day-off bilang family driver, kahit pa sa totoo lang ay Monday at Wednesday lang siya naghahatid at sumusundo sa pamilya sa Quezon City. Paminsan-minsan, kung weekend, nagbibiyahe sila sa iba’t ibang lugar, ngunit paminsan-minsan lamang ito.

Si Boss uli ang nagkaroon ng ideya. Hindi na niya kailangang tumambay sa bahay ni Boss, dahil alam naman niya ang schedule ng kanyang trabaho. At kung may biglaang lakad, tatawagan na lamang siya sa cellphone. Napaka-convenient ng terms ng kanyang Boss at pabor na pabor talaga sa kanya.

Bilang respeto sa mabsit na amo, bago tanggapin ni Gerry ang arkila at tinatanong niya muna kung may lakad ba silang mag-amo sa araw na gusto ng magpapaserbisyo. Syemre, Boss ang priority niya. Kung wala ito, wala rin siyang van.

Sa ganoong kasunduan, nabayaran ni Gerry ang down payment ng van, at malapit na rin niyang matapos ang monthly amortization nito.

On call driver na lamang siya sa dati niyang Boss, dahil siya na mismo ngayon ang boss ng negosyo niyang van for hire. And mind you, mas magaan ngayon ang pasok ng pera. Sipag at tiyaga lang daw ang kanyang puhunan.