BENGUET- NAHAHARAP sa paglabag sa Bayanihan Act ang lima katao kabilang ang driver ng transport service nang masabat ng Land Transportation Office-Cordillera (LTO-CAR) ang isang commuter van na walang special permit para magbiyahe mula Baguio City patungong Maynila.
Bukod sa walang permiso ang biyahe, nadiskubre ring unauthorized person outside residence ang apat na lulan ng van na naispatan sa Balacbac, Palispis-Aspiras Highway.
Sa ulat ng LTO flying squad officers na isinumite kay LTO-CAR Director Francis Ray Almora, ang driver ng van ay si Eldon Lopez na lumabag sa LTO Memorandum Circular No. 2020-2185.
Nagbayad ng P4K ang bawat pasahero for one-way travel kung saan nagpakita naman si Lopez ng complete documents bilang proof of ownership at valid franchise para makabiyahe bilang tourist transport service sa Santiago City, Isabela to any point in the Philippines.
Subalit, walang maipakitang special permit mula sa LTO- CAR ang driver kaya napilitan ang mga enforcer na impound ang commuter van. MHAR BASCO
Comments are closed.