VAN NAHULOG SA BANGIN, DRIVER AT 5 PASAHERO LIGTAS

Van

BENGUET – GINA­GAMOT na sa Benguet General Hospital ang drayber at kanyang limang pasahero matapos na makaligtas nang mahulog sa bangin ang kanilang sasakyan sa Sitio Ti­gil, Sagpat, Kibu­ngan.

Ayon kay PNP Cordillera Administrative Region Spokesperson, Major Carolina Lacua­ta, alas-10:00 ng uma­ga sakay ng isang pampasaherong L300 van na may plate number UTA 308  na minamaneho ng isang Samuel Dolin ang limang pasahero patu­ngo sa Baguio City  nang magkaproblema ang sasakyan.

Tuloy-tuloy itong nahulog sa bangin na may lalim na 50 metro.

Masuwerteng natulungan agad ang mga biktima at naisugod sa Kibungan Rural Health Unit bago inilipat sa Benguet General hospital. REA SARMIENTO

Comments are closed.