BENGUET – SUGATAN ang isang van driver makaraang mahulog sa gutter sa gilid ng Mt. Pulag sa Benguet ang minamaneho habang binabagtas ang Bokod-Kabayan Road.
Nawalan umano ng preno ang van at lumihis mula sa kalsada hanggang sa magtuloy-tuloy nang mahulog sa gilid ng Mt. Pulag.
Ayon kay FO2 Jason Banda-ay ng Bokod Bureau of Fire Protection, sakay ng van ang mga lokal na turista at pababa na sana mula sa Ranger Station ng Mt. Pulag.
Subalit nang maramdaman ng driver na nagluluko na ang preno ng sasakyan ay nagawa pa niyang pababain ang mga pasahero.
Nagtamo ng sugat sa ulo ang driver na ngayon ay nagpapagaling na sa Baguio General Hospital. AIMME ANOC
Comments are closed.