TATLO katao ang nasawi nang magbanggaan ang dalawang puting sasakyan at isa pang pula sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Mexico, Pampanga kamakalawa ng umaga.
Ayon sa Mexico Police, nasa southbound direction ang puting van nang mawalan ito ng kontrol at kainin ang sa center island hanggang sa northbound lane.
Sumalpok ang van sa kasalubong na pulang kotse at puting SUV na parehong wasak ang harapang bahagi.
Dahil sa tindi ng tama, patay ang driver at isang pasahero ng pulang kotse habang sugatan ang tatlong sakay nito, kabilang ang dalawang kabataan.
Patay din ang isa sa mga pasahero ng puting van habang wala namang malubhang nasaktan sa SUV na puti.
Galing Isabela ang van na papuntang Quezon City.
Ang mga sakay naman ng kotse ay galing Maynila at pauwi ng Tarlac habang ang mga pasahero ng SUV ay mga bakasyunistang mula Quezon City at papuntang Baguio City. PMRT