VAN VS TRAILER TRUCK, 6 PATAY

QUEZON-ANIM na biyahero ang nasawi habang tatlong iba pa ang sugatan sa salpukan ng isang van at trailer truck sa Tagkawayan, Quezon kahapon ng madaling araw, Hulyo 13.

Ayon sa hepe ng Tagkawayan Municipal Police Station na si Police Major Marcelito Platino, dead on the spot sina Ron Aldwin Cortez, driver ng van, at ang katabi nito sa unahan na si Sergie Victor France Reyes.

Nasawi rin ang mga pasaherong sina Maria Thalia Floresca, Agnes Amaro, Rommel Galupar at John Robert De Ocampo.

Samantala, sugatan naman sina Fatima Martinez, Raymund Froivel at Joel Badiola. Inilipat na si Badiola sa mas malaking pagamutan sa Naga City.

Nangyari ang insidente sa Quirino Highway sa Barangay San Vicente pasado alas-12 ng madaling araw.

Sa report, galing Maynila ang van na patungo sana sa Bicol lulan ang siyam na tao kabilang ang driver.

Ang trailer truck naman ay nanggaling sa Naga City at patungong Cavite.

Sa tindi ng salpukan ay nawasak at parang nilukot na papel ang unahan ng van.

Inihayag ng Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at Bureau of Fire Protection – Tagkawayan na naging pahirapan ang rescue operation ng dahil naipit ang mga biktima sa loob ng van.

Gumamit pa ng extrication machine ang mga rescuer.

Sinabi ni Platino na batay sa imbestigasyon na ang nasawing driver ng van ang may pagkakamali sa trahedya.

Nag-overtake aniya ito sa isa pang sasakyan sa pakurbang bahagi ng highway dahilan para masalubong ang trailer truck. Nang-agaw rin umano ito ng linya.

6 thoughts on “VAN VS TRAILER TRUCK, 6 PATAY”

  1. 501687 449627Hello! I just now would select to supply a enormous thumbs up with the excellent information you could have here within this post. I will probably be coming back to your weblog site for additional soon. 575247

  2. 751241 961171I was suggested this internet website by my cousin. Im not confident whether this post is written by him as nobody else know such detailed about my difficulty. Youre incredible! Thanks! 891419

Comments are closed.