BAKIT ka nga naman magtitiyaga sa pangit kung meron namang maganda? Bakit beachfront hotel lang kung pwede namang magdamag ka sa dagat sa isang kumportableng cottage o balsa. Masarap mag-snorkel sa orchid-walled lagoon. Diyan kilala ang El Nido, at kung naghahanap ka ng magnificent beaches na malinis at Maganda, El Nido talaga ang perfect na lugar para sa bakasyon mo.
Kaya nga hindi na rin nakapagtatakang kahit ang total embodiment of boho chic fashion na si Vanessa Hudgens ay naengganyong magtungo sa El Nido.
Sikat na American actress and singer, na sumikat bilang Gabriella Montez sa High School Musical film series (2006–2008), Filipino-Chinese-Spanish descent at tunay na Manilenya ag iba ni Vanessa. Syempre naman, may konting pitak sa kanyang puso ang Pilipinas. Kaya naman sa pagsisimula ng summer ngayong 2023, pinili niyang pumunta sa El Nido sa Taytay, Palawan. Dito, namangha siya sa napakagagandang lagoons, white sand beaches, rocky islets, matataas na talampas na limestone, at malakristal na tubig na puno ng marine life.
Tulad ng ibang turista, puring puri rin ni Vanessa ang kagandahan ng lugar. Syempre naman! Isa ito sa best island and beach destinations in the world. Medyo may kamahalan lang nga dito. Ang pinakamurang room dito ay $30 USD na meron lang kama, bedsheets, air conditioning, at hot water.
Dinarayo sa El Nido ang napakalinis na tubig ng El Nido, napakagagandang korales, malinis na beaches na hindi masyadong matao, at pwede pang mag-island hopping o mag-lagoon exploration gamit ag kayak. NLV