VAPE, E-CIGAR SMUGGLING MATUTULDUKAN NA – SOLON

VAPE-3

TIWALA si House Committee on Trade and Industry Chairman at Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian na unti-unti nang matutuldukan ang ilegal na pagpapasok, paggawa at pagbebenta ng vape, e-cigarettes at iba pang electronic nicotine and non-nicotine delivery system (ENDS/ENNDS) products sa bansa.

Ito’y makaraang aprubahan ng naturang komite ang panukalang batas na magpapatupad ng kaukulang regulasyon sa paggawa, pagbebenta at distribusyon ng vapes at e-cigarettes, kasama na ang ENDS/ENNDS.

“Our proposed legislation will guarantee to place stricter regulation of ENDS, ENNDS, and heated tobacco products (HTPs) and will prevent these products from being used in illegal activities including drug smuggling,” pahayag ni Gatchalian.

Magugunita na aabot sa 62 vape juice cartridges, na naglalaman ng liquid marijuana ang nasabat ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) mula sa unclaimed parcels ng Central Mail Exchange Center ng nasabing palipaparan kamakailan.

Base sa ulat ng Customs, ang vape package ay idineklarang ‘food flavorings’,  habang ang vape juices, na nakumpirmang nagtataglay ng tetrahydrocannabinol (THC) at cannabidiol (CBD), na bagama’t legal sa Amsterdam, na siyang pinanggalingan ng package,  ay mahigpit namang ipinagbabawal sa Filipinas sa ilalim ng Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay Gatchalian, nakasaad sa inaprubahan nilang proposed measure na ang nabanggit na mga produkto, bilang electronic in nature, ay isasailalim sa regulasyon at mahigpit na pagbabantay ng Department of Trade and Industry (DTI)

“We filed this bill primarily to protect our consumers. We want to ensure that these devices comply with the applicable electrical safety standards set by the Bureau of Product Standards of the DTI before they are sold to end users,” sabi pa ng mambabatas.

“It is our hope that the stronger and stricter measures imposed by the bill will deter unscrupulous individuals from using ENDS, ENNDS, and HTPs in their nefarious activities. And with stricter protocols in place, we are also optimistic that we will be able to catch and stop these illegal activities more quickly,” dagdag pa ni Gatchalian.    ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.