UPANG g mapaigting ang implementasyon ng Vape Law, nàgsagawa kamakailan ang technical regulations, mga fair-trade laws ng Department of Trade and Industry (DTI) ng immersive training sa mga panginahing DTI regional counterparts sa Northern Luzon st Muslim Mindanao sa pakikipagtulungan ng Trade Regulation and Consumer Protection Division (TRCP) ng Ministry of Trade, Investment and Tourism (MTIT).
Kasama sa training ang ilang nagmula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at DTI Region 2 (Cagayan Valley Region).
Layon nitong palawakin ang kanilang enforcement capabilities at magsagawa ng kolaborasyon sa lahat ng opisina nf DTI.
Pinangunahan ng DTI-Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) ang mga programa Kasama ang joint enforcement activities na ang target ay mga vape stores at iba ang retail outlets sa Makati at Taguig.
Unang dinaluhan ang TRCP sa enforcement operations ng FTEB sai Makati at Taguig noong May 16 bilang bàhagi ng “Training on Enforcement & Familiarization on Sales Promotion, Accreditation of Service Repair Shops and Private Emission Testing Centers.”
Samantala, nagsagawa ang DTI R2 ng sarili nilang Regional Monitoring and Enforcement Study Tour Visit at sumali na rin sa FTEB sa monitoring at enforcement ng vape retail stores sa Makati City noong June 5.
Siniguro naman ni Trade Secretary Fred Pascual na nananatiling committed ang DTI sa pagpapalaganap ng ligtas at patas na pamilihan.
“Through proactive measures such as stringent nationwide enforcement and comprehensive trainings, the DTI remains unwavering in its commitment to consumer welfare and fair trade,” Ani Secretary Pascual .
Binigyang diin naman ni Supervising Head and Assistant Secretary Agaton Teodoro Uvero ang kahalagahan ng stakeholder engagement.
Aniya, “As we intensify efforts to enforce the Vape Law, it is imperative that our enforcement teams are equipped with the necessary skills and updated knowledge. We strive not only to ensure compliance with fair trade regulations, but also to prioritize the capability of our monitors and enforcers to carry out our mandate.”
Dagdag naman ni DTI-FTEB Director Fhillip D. Sawali, palalakasin ng training ang aktibong pakikiisa ng mga DTI regional counterparts sa pamamagitan ng malawakang pagbisita sa mga retail markets ng Task Force Kalasag at iba a nitong kasamang capability-enhancement programs sa buong bansa.
Hinihingi rin ng DTI ang pakikiisa ng publiko na i-report ang mga lumalabag sa batas, Kasama na ang mga retailers, distributors, at manufacturers na nagbebenta ng mga uncertified items. JAYZL VILLAFANIA NEBRE