Pitong non-compliant firms ang sapilitang ipinasara ni DTI-FTEB Director Atty. Fhillip D. Sawali dahil sa paglabag sa mga patakaran ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ayon sa report, inisyuhan ang mga Vape shops ng Notice of Violation (NOV) kung saan binigyan sila ng pagkakataong magpaliwanag sa loob ng 48 oras dahil sa paglabag sa Republic Act (R.A.) No. 11900 or the “Vaporized
Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act”.
Napag-alamang nagbebeta sila ng vapor products na nakatutukso sa mga menor de edad, kung saan ang packaging ay may fruit animations, candy brand, dessert flavors; at cartoon characters. Gayundin, malapit ang kanilang mga tindahan sa mga iskwelahan na dapay ay at least 100 meters away, malapit din sila sa mga playgrounds na madalas tambayan ng kabataan.
Ani Sawali, babala ito sa iba pang Vape shops na pakaingatan ang pagtitinda at siguruhing hindi maaakit ang kabataan dahil palagi nilang ipatutupad ng mahigpitan ang nasabing batas.
Mula nang ipatupad ang nasabing batas, may 79,515 Vape shops na ang kanilang nainspeksyon at nakakumpiska na rin sila ng may 18,526 vape products na nagkakahalaga ng PhP5,559,607.00.
Nagresulta ito sap ag-iisyu ng of 212 Notices of Violation (NOV) at 473 Show Cause Orders (SCOs).
Kasama sa RA 11900 ang regulatory jurisdiction sa mga vapes at iba pang novel tobacco products. NLVN