SWAK sa raid ng mga tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang tindahan sa Tomas Morato sa Quezon City na patagong nagbebenta ng illicit vape sa kanilang ‘secret menu’.
Huli sa akto ang tindahan na nagbebenta ng vape na walang selyo o internal revenue stamps at wala ring ibinibigay na resibo sa mga bumibili nito.
Kasalukuyang pinagsasama-sama ang detalye ng mga produkto at tindahan na napabilang sa nationwide raid.
Sa ulat, pinangunahan ni Commissioner Romeo Lumagui, Jr. ang nasabing pag-inspeksiyon kasabay ng raid at dito ay nadiskubre ang illicit vape “menu” na hindi naka-display kundi nakatago sa isang bodega sa likod ng kanilang tindahan.
“We raided a vape store with a secret ‘menu’ and bodega for illicit vape during our nationwide raid today. The vape store displayed legal vape, but once you ask for illicit vape, they will bring the ‘menu’ and get the illicit vape from the bodega. We know what you are doing. We will not stop raiding your stores. We will continue with our nationwide raids. Expect criminal cases” ani Lumagui.
Samantala, muling nagpaalala ang commissioner na i-report agad ang illicit vape sa kanyang email address na [email protected].
Aniya, “isama ninyo po ang mga mahalagang detalye tulad ng address o link sa kanilang online store. Agad na aaksyon ang BIR.”
RUBEN FUENTES