VAPERS AT E-CIGS USERS UMAPELA SA WHO AT DOH

Vape and e cigarette

UMAPELA ang grupong Coalition of Asia Pacific Tobacco Harm Reduction Advocates (CAPHRA), Vapers PH at Vaper Ako sa World Health Organization (WHO) at Department of Health (DOH) na respetuhin ang karapatan ng mga naninigarilyo na gumamit ng mga alterna­tibo pamamaraan, gaya ng paggamit ng vape devices at e-cigarettes.

Nagkaisa at nagsama-sama ang iba’t ibang grupong gumagamit ng vape at electronic cigarettes para sa pagsusulong ng kanilang mga karapatan.

Ito ang iginiit ni Clarisse Virgino, ang kinatawan ng Filipinas sa CAPHRA, ang kanilang karapatan bilang konsyumer.

“We, vapers and former smokers, and advocates of tobacco harm reduction, have an opportunity to add to the global discussions on ENDS, heat-not-burn tobacco products and snus as much safer alternatives to combustible cigarettes. We stand up for our freedom of choice. We stand up for our rights as consumers,” diin ni Virgino.

Sinabi rin ni Virgino na may mga pag-aaral na rin na isinagawa sa ibang bansa at lumabas sa mga ito na sa paggamit ng e-cigarettes kumpara sa sigarilyo, nababawasan ng hanggang 95 porsiyento ang masamang epekto ng bisyo.

Ayon naman kay Peter Dator, president ng Vapers PH, may mga alternatibo ng paraan para mabawasan ang masamang epekto ng sigaril­yo sa kanilang katawan at sa ibang tao kung kaya’t nararapat lang na hayaan ang mga ito sa kanilang karapatan na makapamili kung ano ang sa kanilang palagay ang makabubuti sa kanila.

Dagdag pa ni Dator, hindi epektibo ang sinasabing ‘quit or die approach’ ng WHO at DOH para mapatigil ang mga naninigarilyo sa bisyo dahil sa ngayon ay 1.1 bilyon sa buong mundo ang naninigarilyo.

“Data from the Department of Health and the Philippines Statistics Authority show that there are 15.9 million smokers in the Philippines, representing 14.7 percent of the population. Nearly 12 million or 76 percent of these smokers are interested or plan to quit smoking tobacco. Yet, WHO deprives them of the most effective option to make the switch,” ani Dator.

Gayunpaman, suportado ng nasabing grupo ang inamyendahang Sin Tax Law dahil kinikilala na nito ang pagiging legal ng e-cigarettes sa bansa at para sa regulasyon ng mga alternatibo sa sigarilyo. VICKY CERVALES

Comments are closed.