VAPING DEVICE BAWAL SA PASAY

Vape

IPINAGBAWAL ng Pasay City government ang paggamit ng vaping device sa pampublikong lugar sa lungsod bilang paghihigpit sa paninigarilyo.

Nagbigay ng babala si Mayor Emi Calixto-Rubiano ng mahigpit na pagpapatupad ng City Ordinance 6061 na nag-re-regulate sa paggamit ng “vaping devices” sa lungsod.

Ang kalusugan (Health) ay kabilang sa “governance vision” ni Rubiano na tinaguriang H.E.L.P., na kumakatawan sa mga sumusunod: (H) Health Care and Housing; (E) Education, Economic Growth and Environment; (L) Livelihood and Lifestyle; at (P) Peace and Order, Palengke at Pamilya.

Base sa mga international studies tulad ng ginawa ng kauna-unahang research university ng USA na Johns Hopkins Medicine, sinasabing ang ordinaryong sigarilyo at e-cigarettes ay parehong masama sa kalusugan ng tao.

Matatandaang tinakdaan ng World Health Organization (WHO) ng “code” na U07.0 ang mga nadodokumentong malalang pagkakasakit na hinihinalang dulot ng e-cigarettes.

Alinsunod sa natu­rang ordinansa na inaprubahan ng Pasay City Council sa pangunguna ni Vice Mayor Noel Del Rosario, bawal mag-vape sa “indoors” tulad ng “places of working, hospitals, other healthcare centers, government offices, educational facilities and recreational facilities as well as public conveyances.”

Ang mga lalabag ay may kaukulang parusa: para sa  1st Conviction ay maymultang P2,000 o 12-oras na community service bilang street sweeper; 2nd Conviction – Multang P3,000 o 18-oras na community service; at ang 3rd Conviction – Multang P4,000 o 24-oras na community service. MARVIC FERNANDEZ

Comments are closed.