VAT SA LOW-COST HOUSING SUSPENDIHIN

Rep Bernadette Herrera

HINIMOK ni Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera ang Department of Finance (DOF) na suspendihin muna ang pagpapataw ng VAT sa mga low-cost housing habang nahaharap pa ang bansa sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Nanawagan si Herrera kay Finance Secretary Sonny Dominguez na bigyang direktiba ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na ibimbin  muna ang pagpapataw ng 12% VAT sa mga low-cost housing upang matulungan ang mga developer at buyer kahit hanggang matapos lang ang public health crisis.

Dagdag pa ng lady solon, ang suspensiyon ay makapagbibigay sa real estate at housing industry sa bansa ng kinakailangang economic stimulus para sa agarang pagbangon mula sa epekto ng pandemya.

Batay sa consumer price index, sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ay ini-exempt sa VAT ang mga buyer  ng residential lots at house and lot units na aabot sa P1.9 million hanggang P3.2 million habang ang mga buyer na P2 million pababa ay sa Enero ng susunod na taon lamang ma-e-exempt sa VAT.

Babala ni Herrera, magiging mahirap para sa mga middle-income earner ngayong krisis na makuha ang kanilang ‘dream home’ kung ipagpapatuloy ang paniningil ng VAT sa mga low-cost housing. CONDE BATAC

Comments are closed.